0
Posted October 16, 2010 by Norby Ela in Comics
 
 

KOMIKS INTERVIEW with Rommel ‘Omeng’ Estanislao

It was a… uh… s%@&! I forgot. Hehehe. Well, anyway, I had a great chat with Omeng Estanislao. He is an indie komik creator. Mostly he known for his works, such as Lipad, Ang Tupang Itim, Love Story and Heronimo alyas HERO, ang Bagong Bayani ng Marikina.

Interview by Norby Ela


FG: Omeng, you there?
RE: Uy. wet dreams! Este slippery when wet
FG: Hehehe. Ready?
RE: Oks.

FG: Hey, Omeng. Musta na?
RE: Oks naman. Galing Katipunan. Nagdeliver ng sculpts.
FG: Ahh… anung sculptures?
RE: Order na chibi.
FG: Nice.

FG: Oo nga pala, bakit ‘Omeng’ ang nickname mo?
RE: Bata pa ako yun na tawag sa akin, ‘omeng’. Pero mga tito ko binbaliktad
FG: Bakit ‘di na lang ‘Mel’or ‘Rom’?
RE: Dati tawag ng tito ko sakin, ‘Meng-O’. Nung 1990’s ang tawag nila sa akin. ‘Meng-O. Pero ‘Mel’ ang nickname ko dati pa since elementary at highschool. Yung makulit na kasama ko, pinauso nya ‘Ka Omeng’. Kaya ayun nasanay sa ‘Omeng’. Parang ‘Domeng’. Hahaha. Pagtanda ko, ‘Tata Omeng’ o ‘Lolo Omeng’. ‘Mengo Stanley’, ang international name ko.

FG: Tell me about yourself.
RE: Teka, interview na ba ito? Yeah. Ok ba kung tagalog lang?
FG: No problem. Este… hindi problema.
RE: Ok. Game.

FG: Tell me about yourself.
RE: I’m a Graphic Artist , Indie Comic Artist, Illustrator and Cartoonist.
I’m also into Mixed Martial Arts and mountainbiking. I’m from the shoe capital of the Philippines, Markinina City.

FG: What is the best part of yourself?
RE: I’m generous. Mahilig ako magbigay, magshare. Galante kahit walang pera

FG: What about the worst part naman?
RE: Ah, ‘wag mo ako gagalitin! Lalo na ‘wag mo kokpyahin gawa ko. Naalala ko nung highschool, may project kami about simple machines. Gumawa ako yung wishing well made from New Wave gel na lalagyan. Tinapalan ko ng clay ginawa ko mukhang well na made o bricks with tooth picks and popsicle sticks. Tapos umiikot yun, naittas at naibaba. Sabi nung teacher ko, san ko daw binili yun. sabi ko ginawa ko. ayaw nya maniwala. Ginawa ko hinimay ko yung project ko. isa’t-isa kong tinanggal at sabi ko sa kanya na ako ang gumawa nyan. Sabi ko, yan yung basyo ng gel ko.

FG: How did you first discover comics?
RE: Bata pa ako, nung Elementary Grade 2, I saw my tito reading a MAD magazine. Natuwa ako sa illustrations. Then, nung Grade 3. Sa Lagro Elemntary ako nagaaral, pag uwi ko nakita ko ang FUNNY KOMIKS. Bumili ako. Binasa ko. Natuwa ako sa Planet op di Eyps, Niknok, Mahimud Ali, Dax at Superkat.

FG: Do you have a day-job? If the answer is yes, then what is it?
RE: Day JOb? As of now, mag bike sa umaga o jogging at gumawa ng raket. That’s my day job. Sa gabi, comics. I used to be a machinist bago maging artist. Since 1987, machinist na ako assistant ni Erpats.
FG: Anung raket mo?
RE: Graphic designs, brochure layouts, poster layouts, clay sculptures and illustration for magazine and books.

FG: If you weren’t working in comics, what would you be doing?
RE: Painter and sculptor. Pangarap ko yun dati pa. Kaya nagtake ako ng 2nd degree: Studio Arts major in Sculpture sa UP DIliman in 2006.


FG: What are you most likely to complain to an editor/a co-creative team member?
RE: Teka, Ok yung tanong mo. Wait… I have no problem with editors. Sila ang may hawak ng magazine. Call nila kung ano ang gusto nila. Ganun din sa kateam ko sa creatives. We execute and deliver. Plus, we also conceptualize other ideas for a much better presentation for the clients.

Regarding sa illustrations, sa magazine, I’m flexible naman sa style na gusto nila, except, sa The Buzz magazine. Style ko ang nasusunod, since, spot cartoons ito.

FG: Who is the biggest influence on your work?
RE: Pwede ba apat? Kasi combination sila. Si Moebius, Toti Cerda, Sergio Aragones and Ralph Steadman

FG: What are you currently working on?
RE: Meron para sa isang joke book. Pwede ba books?
FG: Oo ba.
RE: Illustrations yun: Top Ten Travel by Scott Lee Chua. october 2010 ang launching. At katatapos lang din ng children’s book na ANG MAHIWAGANG PAGLALAKBAY NINA TAM, PI at SAW.

There’s a project of ABS- CBN FOUNDATION and MWSS funded by ADB. A joke book. Some clayworks for a children’s television and editorial cartoons for The Buzz Magazine and Word For You Magazine.
FG: Whoa! Magkano ang income mo dyan?
RE: Barya-barya lang. Pero, pag pinagsama mo, tama lang pambili ng toys at mountain bike parts. Hehehe. Isama mo na ang comics.

FG: How do you work? Do you do any rituals before, during and after working?
RE: Pare, eskinol sa umaga, eskinol sa gabi. Hahaha! Totoo yun. Oily ang mukha ko. magmamantsa sa clay ko at sa papel pagnahawakan ko mukha ko. Hahaha. ‘Di kaartehan yun ah.

Pero, syempre, prayers muna bago gumawa. Hingi ka ng guidance. Si Lord ang tunay na AKDA pare.

FG: What is the single work of which you are most proud of?
RE: Siguro, yung Driving Manaul ng HONDA. Kasi, malaki kinita ko dun at nosebleed. Ilang vectors yun, na sa 2000. May mga revisions pa. Yun nga lang, computer works yun.

FG: Name one your guilty pleasures.
RE: food trips na lang.
FG: Guilty pleasure ba un? Like how?
RE: Kumain ng cholesterol, like burgers and fries. Kumain ng sweets, like chocolate, sweet beans, Chowking halo-halo. At matulog ng mahaba sa umaga, instead magjogging, magbike o magpractice. Pwede na ako mamatay makuha ko lang yung compilation nya.


FG: What is the last comic that you bought?
RE: Tomorrow, Mad magazine book – Mad’s greatest artist Sergio Aragones. Wooooh!

FG: Who could play you on a movie about your life?
RE: Ron Tan, pare. Hahaha
FG: Tingin ko, pwede si Wangbu ng Parokya (ni Edgar)
RE: Yung kahawig ko naman. Hehehe. Janno gibbs. Hehehe. Depende sa buhok ko. Hahaha.

FG: Pick three things that you couldn’t live without.
RE: Kung material things toys, comics and clays. Kung iba: God, loveones and toys. Hahaha. Pwede: burgers, chocolates and sex. Hahaha.
FG: Bagay ba si God? Hehehe.
RE: Nope. spirit, The Great One, The Creator, The Holy One. No. Toys, comics and clays lang ang ilagay mo kung material. Hehehe

FG: What is the strangest thing in your house?
RE: Hahaha. Nice question, pare. I dont believe in ghosts, pero, I do believe in elementals. Minsan may orbs sa camera ko pag nagsh-shoot ako ng mga toys ko sa kwarto.

Ito pa… nakakatulog ng nakadapa. Pagnagising ako ng madaling araw, nakakumot na ako, as in, ang neat ng pagkakakumot sa akin. Hahaha. Totoo yun. Kahit tropa ko, pagpumasok dun, para tingnan nya ang toys ko. May nararamdaman. Hehehe.

FG: What music are you listening these days?
RE: Sa ngayon, Christian music. Pero dati, pare, DEATH METAL, GRUNGE!, HEAVY METAL! Minsan K-Pop, basta girl bands. Naaalala ko kasi ang gf ko. Mukha syang Korean. Hehehe.

FG: What is your favorite comic of all time?
RE: Generally, DC comics. Nandun si Batman. Yeah, Batman forever! Except, supergirl. Ang corny ng stories nun and ang daming conflicts. Madami din kasing maganda sa DC, ‘di lang yung superheroes.

FG: What TV shows & series and movies you like?
RE: WWE SMACKDOWN! UFC! History channel, Discovery, National Geographic, Turbo and cartoon Network. Dati x-Files.


FG: If you have superpowers, what would it be? What would be your superhero name?
RE: Gusto ko flight and strength, para maenjoy ko yung mga magagandang islands sa Philippines na nakikita ko sa Asian channel. Na ubod naman ng mahal ang gastos, parang nagtrip to Hong Kong. Kaya sa australia na lang kami nagtrip. Sponsored pa. Hahaha. Patama sa Tourism.

Kung hero name, syempre si ‘Heronimo alyas HERO, ang Bagong Bayani ng Marikina’. Pagtotorpehin ko mga tuta ni mayor na mayayabang. Yung mga mangongotong sa palengke, ibubuhol ko sa poste kasama mga motor nung mga nakawang-wang. Mg manyakis na dayo sa Marikina, huhubaran ko’t palalakarin sa kalsada. Yung mga baranggay na walang ginagawa kundi kurakot bubulabugi ko sila. Yung mga magnanakaw, babalian ko ng kamay at yung mga adik, papakain ko lahat ng tinitira nila.

Ok ba? Hahaha
FG: Hehehe. Superhero talaga ah.
RE: syempre, plataporma yan. Magtatanim din ng puno at maglilinis ng kalat.

FG: What is the worst advice that you’ve ever recieved?
RE: Bata pa lang ako, ito na pinakaworst! ‘Huwag ka mag Fine arts walang kita dyan.’

Kaya frustrated artist ako, ever.

FG: Name someone you admire. And explain Why.
RE: Kung sa comics, si Sergio Aragones. Kasi gurang na nagd-drawing pa din at consistent sa style. I like his humor.

Sa Martial Arts, si Randy Couture. Kahit na gurang na, din malakas pa din and humble. Si Manny ‘Pacman’ (Pacquiao). Magaling na mapagkumbaba pa din.

Si erpats ko. Masipag, matalino at responsible. Sya nag nagturo sa akin, when it comes to mechanical works, such as welding, bench works, operate lathe machines and bench drill press. Sya ang tunay na IRON MAN sa buhay ko. Isa syang mechanical engineer. May machine shop kami kaya kong gumawa ng boy bakal sa shop

FG: What do you think of komiks nowadays?
RE: Madami na ang gumagawa ng komiks ngayon. So, puro indies. Hehehe. sana, mabuhay ulit ang komiks gaya nung 80’s. Yung iba kasi, nababaduyan kapag Tagalog. Hello, Pinoy tayo.

FG: Tell me about being an independent komik creator?
RE: Super saya at super sulit. Nakakapagshare ako ng stories mapa fantasy, fiction, drama o action. 1980’s pa lang, may indies na ako. ‘Di ko alam na ‘indies’ tawag dun

Tawag nung iba, ‘ano yan?’ Hahaha.

Thanks to Komikon. Dun ako nagsimula and thanks to Sir KC Corder. Sya nagtulak na magkomiks ako. Hehehe.

FG: What would you like to see happen in the Philippine komiks in the next 12 months?
RE: Sana ang Pinoy o local komiks, once again, nakadisplay sa suking tindahan, sa mga bilihan ng dyaryo, sa magazine racks sa bawat bookstores at pati, sila Inday ay nagbabasa ng komiks, gaya nung dati. Sana nga lang, ay may values ang stories ng komiks at ‘di lang basta-basta.

Education tool din sana. Pero ang komiks ay komiks. Depende sa magbabasa, comedy, action o drama.

Huwag nalang yung porn. Hahaha

FG: What the world needs now is…
RE: Love. Sweet

FG: Who is your favorite and up & coming komik artist, writer, creator?
RE: Si Hazel Manzano sa Callwork.Na i-share nya buhay ng mga taga-call center. Si Tepai Pascual, sa style nung colored Mactan (1521) nya. Si Freely (Abrigo), sa consitency ng cartoon style nya at humor. Si Ron Tan, sa humor ng kanyang Super hero. Si Romi Lizada at Dino Copreros, sa style ng illustrations nya. Si Gener Pedrina, sa mga characters na gawa nya. Si RH QUilintang, Ok din ang art style nya. Si Macoy sa style ng art nya. Si Josel (Nicolas) sa story telling at art style nya. Si Aaron Felizimenio sa style nung art nya.

FG: Anything mnore to say?
RE: Thanks to Komikon for making my dream printed in black and white and soon colored na. Kayo ang nagsimula ng indies at bumuhay ng komiks

Mabuhay ang komiks!


Norby Ela

 
FlipGeeks Operations Editor, Managing Editor of Comics, Komiks, Manga, atbp.