0
Posted November 4, 2015 by Norby Ela in Comics
 
 

LET’S TALK KOMIKS: Manix Abrera Mabalita sa NEWS HARDCORE’

On this Let’s Talk Komiks, we had a chance to have a brief conversation with Manix Abrera about his upcoming of the first-ever compilation of his news-and-media themed webcomic – News Hardcore. 

This is Let’s Talk Komiks.


FLIPGEEKS: Paano nagsimula ang News Hardcore? Saan galing yung idea para sa webcomic na yun?
MANIX ABRERA:  Nagsimula siya nung nagkasabay kami ni Howie Severino sa isang talk sa UPLB. In-invite niya ako mag-submit sa GMA News Online ng weekly webcomics tungkol sa buhay media o office.

Kailan siya nagsimula at nakaka-ilang issues na siya ngayon?
Nagsimula siya noong 2010 ata. Tapos ngayon nakaabot na ng 240+ issues.

Maglalabas ka ba ng coloring book this year? Yun kasi ang uso eh.
Yung sa coloring book, hinde, haha! Although may na-submit akong 2 artworks para sa Hue Can Do It ng Anvil.

image

Magkakaroon na ng collected edition ang News Hardcore. Which strips were the most memorable for you?
Sa lalabas na collection, ang memorable ay yung pinaka-unang comic strip talaga kasi doon nagsimula. Pero… halos lahat memorable kasi lahat halos yun may mga pinagbasehan na tunay na kwento.

Alin sa dalawa mas ganahan ka gawin – Kikomachine or News Hardcore?
Pareho silang ganado ako gawin. Ang style ko, sa Monday ko gagawin ang News Hardcore. Nakatutok lang ako doon. Tapos Tuesday onwards ang paggawa ko ng Kikomachine para tutok ang paggawa ko sa dalawa.

Meron mga panahon ba na sobrang ganado ka o marami ka talagang idea para sa mga jokes na hindi mo mapigilan mag-drawing?
Yes may times na sobrang dami kong naiisip na kung anu-ano, so sinusulat ko sa notebook ko lahat yun. Tapos kapag may mga panahon namang wala akong maisip, ayun, may notebook akong nababalikan na may mga ideas.

How many issues per week do you make?
One News Hardcore per week ang ginagawa ko.

At your age now, how do you divide the jokes/stories for Kikomachine and for News Hardcore?
Sa segregation ng jokes, hindi ko rin alam haha! Pero yung Kikomachine malawak ang sakop – student life, kaweirduhan, tao-tao, etc. Yung sa News Hardcore naman nakatutok talaga sa media and office kadalasan. Pero nahahaluan pa rin ng kung anu-ano paminsan.

Lastly, please rank these from 1 as the most given to prioritize to 4 as the least: love, money, komiks, music. Why?
1 – Love
2 – Komiks
3 – Music
4 – Money.

Wala nang explanation para masaya at mysterious!


Edited by Drew Bagay

Norby Ela

 
FlipGeeks Operations Editor, Managing Editor of Comics, Komiks, Manga, atbp.