1
Posted October 14, 2014 by Norby Ela in Comics
 
 

LET’S TALK KOMIKS: Manix Abrera’s 14, Ang Komiks Nya na Tahimik

Here we are at another Let’s Talk Komiks. This time we get to have a moment with Manix Abrera, the man behind Kikomachine, News Hardcore and 12. We chatted about his upcoming comic – 14. 

image
FLIPGEEKS: What is 14?
MANIX ABRERA: Ang 14 ay ang pangalawang silent/wordless komiks na aking nagawa, hehe

Planado mo talaga noon to make an installment of 12 or another silent comic? 
Hindi ko siya pinlano talaga, pakatapos nung 12, mga ilang buwan akong hindi muna gumawa ng silent comics, tapos biglang may mga naisip uli akong kwento, at unti-unti nang nabuo ang 14.

If it is related with your previous book – 12, why is it not the title of this, ’13’?
Hindi po siya related sa 12, hehe. Kung bakit po hindi 13, makikita po kapag nabasa na yung 14, haha. Sorry, pa-mysterious pa eh, no? Agh! Haha :’D

How is your process of making this different when you were making 12?
Iba na yung mag kwento at pagkwento ko dito dahil after 5 years (after ng 12), may mga natutunan, nakita, naisip pa akong iba pang bagay sa buhay-buhay (naks! haha), na siyang na-apply ko na sa 14. :D

image

Is it difficult to make a comic book with words or or a comic book without words?

Mas nahihirapan ako gumawa ng wordless comics kesa sa Kikomachine/News Hardcore, kasi ang tagal kong nile-lay-out sa scratch paper at pinaplano ang panelling per page at yung para sa buong kwento, haha. :’D Tapos sinusubukan ko din i-balance yung kung ano yung mga ipapakita sa bawat frame at ano yung ipapa-imagine sa magbabasa (mga hindi ipapakita/ido-drawing). :)

Do you think everybody should try and produce a silent comic? Do you have any tips?
Sobra! Haha, sa akin, lagi ako nag-e-encourage na subukan din ang paggawa ng silent comics, challenging kasi siya sa paraan ng pagkwento, tsaka masaya siya gawin! Madaming gumagawa ng silent comics, kahit sino pwedeng gumawa, hehe. :D

Ang maibibigay ko sigurong payo sa paggawa, magbasa ng madaming libro at manood ng maraming pelikula. Tapos isipin mo muna yung gusto mong sabihin sa kwento, at bakit mo ito kailangang ikwento. :)

image

May references ka that inspires you while making this comic?

Halo-halo ang mga inspirasyon ko noong ginawa ko ito, mula sa horror manga hanggang sa iba’t-ibang mga nobela hehe :)

What comics/books do you read nowadays?
Sobrang halo-halo! :D Horror, sci-fi, weird short stories. Mga biography nang iba-ibang tao, hehe. Tapos nakabili din ako ng mga comics na galing sa ibang bansa, na kahit hindi ko maintindihan yung mga nakasulat e sobrang wow pa din! haha :D

Is there anyone that you want collaborate and make comic books with?
Hehehe madami! As in!! :D Pero isa sa gusto kong maka-collab talaga ay ang tatay ko hehe, seryoso, kaso parang mahirap kasi magkaiba yung style namin! :D Pero pangarap ko yun mula pa nung maliit ako at tumatabi ako sa kaniya habang nagdo-drawing siya. :’)

Somewhere, you mentioned that you get ideas for your comics while you are commuting. Have you had any weird/bad experiences while doing it, (like nahuli ka na nakikinig ka sa usapan nila o masmakwento ang mga pasahero sa jeepney kesa sa sa mga pasahero ng Tamaraw FX o kahit ano)?

Hehehe oo sobrang dami kong nasasagap na mag kwentuhan o anuman habang nagko-commute! :) Hindi pa ako nahuhuli kasi pag pinapakinggan ko yung mga strangers sa paligid ko, nakatingin ako sa malayo o nagpapanggap na tulog, hahaha. XD

image

FAN QUESTIONS:
JP Palabon (Puso Negro)- Ano yung mga bagay na gusto mong itackle sa komiks mo na hindi mo tackle?
Mga sobrang nakakatawa o kakaibang karanasan ng mga ibang kakilala ko, na nung tinanong ko kung pwede kong i-komiks, ayaw nila! Hahaha :’D Aaaahg! :D

Paolo Chikiamco (Mythspace) – If Kikomachine hadn’t been a success, is there some other projects that had already planned. 
Super gusto ko talaga mag-shoot ng documentaries. As in sobra! :’D

Why should everyone be excited for 14?
Ay Dyusko OMG! Dahil sa *bleeeeeep* tapos merong *bleeeeep*, tas yun pala *bleeeep* ng *bleeeep*; at sa huli malalalamang *bleeeeep* tas maiisip mo na lang na *bleeeeep* talaga! Grabe!! :D


Manix Abrera’s 14 will be released this November in Komikon.


Norby Ela

 
FlipGeeks Operations Editor, Managing Editor of Comics, Komiks, Manga, atbp.