0
Posted January 17, 2018 by Norby Ela in Comics
 
 

LET’S TALK KOMIKS: The Exciting Emiliana Kampilan and her Dead Balagtas

elcome to Let’s Talk Komiks, a regular series where we interview local comic book creators about their works and upcoming projects, among other things. This time, here is Emiliana Kampilan. She started Dead Balagtas on the Internet. And now, Anino Comics released her Dead Balagtas Tomo: Mga Sayaw Ng Dagat at Lupa  back in December 2017.  Let’s talk komiks.


 

FLIPGEEKS: Hi Emiliana! The last time we spoke was back at Elbikon 2017, how’s it been until now?
EMILIANA KAMPILAN: Hi. Sobrang late na nitong reply ko, sobrang pasensiya na. New scheds up for me kasi and medyo malalang year ito for the non-bayong self. Kaya madugo araw-araw.

[WATCH: FlipGeeks with Emiliana Kampilan of Dead Balagtas]

This December was the release of your comic, DEAD BALAGTAS TOMO 1: MGA SAYAW NG DAGAT AT LUPA. What is it about?
The book was released last December, pero ang official launch niya sa mga bookstore ay gaganapin sa darating na Enero 21, 2017. Excited na ako! Bilang unang Volume ng napakahabang kasaysayan ng Pilipinas; origin siya ng universe batay sa pananaw ng mga Babaylan ng Panay (dahil sila naman talaga ang mga proto-scientist natin), hanggang sa pagkagawa ng magiging setting o puso ng mga magiging kwento ng Dead Balagtas: ang bansa natin mismo!

Emiliana Kampilan

The last time we spoke, you released a preview black & white zine of it. What is your interest about Eba at Adan? How do you want them to be represented in Dead Balagtas?
Ang interest ko with origin myths – gaya ng Eba at Adan, Si Malakas at Maganda, atbp. – ay reflective sila ng understanding o pagkaunawa ng tao sa sarili niya, sa kapwa, at ultimately, sa mundong ginagawalan at kinabubuhayan niya.

Nirerepresenta nila ang patuloy na paghanap ng tao ng pwesto niya at ng iba pang bagay sa lipunan at sa daigdig. Bukod sa pagiging ‘cool’ nila ika nga, mahalaga sila kasi patunay sila ng kakayahan nating mag-isip nang malalim at often, beyond what is visible to us. Sa komiks ko gusto ko i-explore yang konsepto na yan, and not from a Judeo-Christian point of view but mula sa pananaw ng mga lumang Pilipino harmonized with scientific facts. Not unlike the geological origin discussion rin sa Volume 1.

You started Dead Balagtas as a webcomic. With years passed, how much have you and Dead Balagtas grown up?
I hope na nag-improve naman kahit papaano yung art style; nilakihan ko yung color palette. At pinalawak ko pa yung saklaw na kasaysayan. Nagtra-try rin ako ng bagong techniques at naglalapat ng traditional art sa komiks ko nang hindi scrine-scrape away ang symbolismo nila (halimbawa, traditional okir motifs, yung blossoming ng patterns in batiks), but in a way na they retain their language at na magiging language sila ng komik itself – not mere embellishment.

You mentioned in Twitter that a portion of these sales of Dead Balagtas will be donated for a good cause, could you tell us on how did you come up with it?
Hindi ko naman kasi kwento ang Dead Balagtas. As I always put it, kumbaga nachikahan lang ako, tapos ako yung pinaka-madaldal na chismosa. The stories belong to the people; natural lang na kabahagi sila sa proceeds nito. Rather than it being a donation, it is simply giving to the Sulods ng Panay (sa kanila galing yung Tungkung Langit – Laon Sina) what is due to them. Tapos dahil dun sa ginawa ni Duterte sa Marawi, lumapit sa akin ang Gantala Press para tumulong sa Internally Displaced Persons doon, kaya kahati na rin sila sa proceeds. Lalo pa may leading man dun sa komiks na mula sa Mindanao.

Dead Balagtas

The format of Dead Balagtas is not usual. What encouraged you to have this book format and why?
Gusto ko ng komiks na ang batayan ng fomat at istraktura ay sining natin; kaya sinikap kong magmukha siyang isang napakahabang batik. Lokal na textiles po ang basis.

[CHECK OUT: KOMIKS PREVIEW: La Mujer Filipina]

How does it feel that you’ve created something that is now a part of Filipino Literature?
Kabado po ako. I sincerely hope na kung manyayari yan ay deserving naman yung libro. Ang nakakatawa kasi ay science gets outdated din. Nung ginagawa ko yung libro tapos patapos ko na yung chapter 3 sa Sea Plates, months later, NA-OUTDATE agad yung chapter dahil sa new scientific findings. Kaya gawa nanaman uli. It’s a book that really renders itself welcome to being outdated. In line rin sa theme ng impermanence ng mukha ng mundo pala!

What comic books, books and other reading materials do you like to read? Why do you like them?
Bababasahin ko halos kahit ano tungkol sa history, anthropology, social science. Comics; both western and manga. Lately nga sumisipa na ang Manhua ng mga Chinese at Taiwanese. Maganda talaga control nila sa space at sa pagpapakita kung paano na-aapektuhan yung mga karakter. Nag-eenjoy rin ako magbasa ng mga 10 minute crime mysteries: yung ikaw yung magsosolve tapos may answer guide sa ending? Hahaha. Basta yung may matututunan yung mambabasa.

Dead Balagtas Interior Dead Balagtas Interior 1

 

 

Where did you learn to draw?
Prayers and exercise. Prayers and exercise.

 

For you, what are the best local comic books out there that you would recommend to any reader?
Ang dami! at in no particular order, basta mula sa Haliya Publishing; kalidad. Gawa ni Mervin (Malonzo), Adam (David), Julius (Villanueva), at Hulyen. Elmer ni Sir G. (Gerry Alanguilan), Sixty-Six nina Russel Molina at Ian Sta Maria, Carlorozy’s Darwin’s Assoc (-iation of Delicious Evilness) – ang ganda talaga ng style niya, Windmills ni Josel (Nicolas) – yung autobio babies, si Josel ang kuya nila, Trese, gawa ni Lizette Daluz, at for young adults, Rob Cham’s Light at Lost. At hindi papahuli ang komiks na mapagpalaya nina Tilde Acuna at ng Karma Collective – Los Baños-based ang Karma pero isa sila sa iilan lang na nagbibigay boses sa struggle ng mga nasa kanayunan.

Dead Balagtas Interior 2 Dead Balagtas Interior 3

Ang indies ay goldmine talaga ng magagandang alternative stories. Women and LGBTQ Pinoys can find their voices and stories sa indie scene thanks sa Blue Indie Kids: sina Richard at Gaby, ang daddy nating lahat: si Oliver Pulumbarit, zines/comics ni Trizha Ko, ni Zel, Motzie Dapul, Krayonela, Ligaya Komiks. For strips! siyempre gawa ni Kuya Manix (Abrera), Pugad Baboy, Crazy Jhenny, Opismeyts. Marami pa akong nalimutan at kakailanganin talaga pumunta ng cons para makita sila. Please go to cons po.

[READ… 4 Reasons on Why You Should Be Reading DEAD BALAGTAS]

How do you want to impact a person who would pick up Dead Balagtas?
Sana po may matutunan kayo sa librong ito. At higit sa lahat, kahit patuloy ang banggaan ng mga puwersa sa mundong ito, at puwersang mapang-api sa lipunan natin, lalaban at mananaig tayo.

 

Anino Comics will have a book launch Dead Balagtas Tomo 1: Mga Sayaw Ng Dagat At Lupa with premiere signings of the creators behind Ang Hari Ng Komyut and Sandali this 2PM Sunday, January 21, 2018 at The Studio, Fully Booked BGC.

Dead Balagtas Book Launch Anino Comics


Norby Ela

 
FlipGeeks Operations Editor, Managing Editor of Comics, Komiks, Manga, atbp.