0
Posted October 7, 2013 by Alvin Minon in Comics
 
 

KOMIKS INTERVIEW with Jomar Bulda on Chibi art, Sketchcards and Neox

Had a short chat with Jomar Bulda, the man behind the komiks – Neox, about his chibi version of c0mic characters, his work on sketchcards and what’s up next for the Neox Universe

Alvin: Pano po ninyo nasimulan tong chibi art? Pano po sumagi sa isip nyo na gawan ng chibi versions yung mga comics na binabasa ng marami? May kinalaman po ba chibi versions nyo sa buhay pamilya at pagiging ama?

Jomar: Chibi ang kaunaunahang style na nadevelop ko! Nung bata pa ako mga 6 o 7 years old pa lang, nagdo-drawing na ako ng mga Street Fighter 2 characters sa likod ng isang pakete ng sigarilyo na binebenta ng kapatid ng nanay ko noong may tindahan pa kami, tapos natuto naman akong mag drawing ng mga normal arts nung naging propesyonal na ako. Binalik ko siya (Chibi) nung napansin ko na pinapayagan ng Rittenhouse (sketch card company na pinag tatrabahuhan ko) ang pag gawa ng Chibi sa cards, eventually, may mga kaibigan na nag request na gumawa daw ako para sa kanila :) at hndi ko na namalayan na madami na pala akong nagagawa.

A: Pano po ninyo pinipili alin yung gagawan nyo ng chibi version?

J: Wala namang proseso sa pag pili, basta naka pasok sila sa Ssot habang nag bukas ako ng commission, okay na.

Minsan, may talagang nakiki usap na isingit ko sila sa slot, kaya na uuwi sa mula 5 slot commission, nagiging 24…. pero enjoy naman, hehe.

A: Alin po yung pinakagusto nyong gawan ng chibi? For me, paborito kong gawa nyo yung sa Batman kasi.

J: Pareho tayo, napamahal na din ako kay Batman hahaha! Sa katunayan, gumawa kami ni Jim Faustino ng resin statue ng Batman na chibi. Halos andaming nag request ng Batman chibi kaya naging dalubahasa na ata ako kay Bats.

A: How bout yung chibi artbook plan po na napost nyo kelan lang?

J: Dalangin ko na mag patuloy ang Chibi artbook na plano namin, kase gusto kong ibahagi ang kaunting kikitain namin sa isang charity intitution na gusto kong tulungan. Sapat naman na yung mga materials para maka buo ng isang libro at nile-layout na ni Chris Agot yung book mismo. Sana, maka hanap kami ng mag pa publish nito.

A:  Pwede po ba kong magpareserve kagad kahit wala pa haha.

J: Oo naman, may kopya ang Flipgeeks.

A:  First dibs! unahan ko sila sa chibi artbook! HAHA!

A: Pano po kayo nagsimula sa sketch cards?

J: Meron akong mentor na idol ko na since 1993 sa mga komiks na ginagawa niya, siya ang nag abot ng kamay para turuan ako mag drawing ng mahusay, at wala siyang hinihinging kahit na anong kapalit.

Palaging naka agapay si Lui (Antonio) sa akin kada mapapansin niyang nasa alanganin ang sitwasyon ko sa buhay. Binigyan niya ako ng pag kakataon na mag subok sa sketch cards, at hindi ko pinalampas ang pag kakataon. Ang hiling lang ni Lui, huwag daw akong papalpak sa larangan na to, kaya ayun, mula Rittenhouse nagkaroon ng Upper Deck, at Cryptozoic, at Breygent.. pinagyaman ko lang ang ipinag kaloob sa akin.

At sinasaule ko sa mga piling kaibigan na artist ang pag tulong na binigay ni Lui sa akin noon.

A: Kamusta po ang pagiging sketch card artist? Ano kaibahan nya sa ibang commission or comic work?

J: Masaya na mahirap! Akala siguro ng ibang artist komo 2.5 by 3.5 inches lang ang size, madali na. Well, HINDI PO!!! Weird eh, kase may mga card commissions akong natatanggap na sampung doble ang mahal sa karaniwang commission. Siguro dahil “rare” o mas may “value” pag Artist Proof commissions, pero ang weird pa rin eh pag nag do drawing ako ng A3 (11 by 17) na mas mura pa sa AP sa totoo lang.

A: Thousand sketch cards, 26 sketch card projects for 7 different card companies in 3.5 years. Ang dami. Ano po yung paborito nyo or most memorable? Alin po yung pinaka ayaw nyo naman kung meron o pinakanahirapan kayo?

J: Pinaka favorite ko pa rin yung Artist Proof na puro Spiderman para kay Ian. Wala naman akong kina inisan na set… ang kina iinisan ko lang yung pag wala na akong ma isip na lay out hahaha! Nandun na yung “teka nagawa ko na ata to ah!” Nakaka hassle yun. Masayang mag trabaho kaya hindi ako nagagalit kada may pag kakataon akong ipakita ang ibinahagi sa akin ng Diyos na talento. bagkus palagi akong nag papasalamat sa Kaniya.

A: May criteria or requirements po ba kayo pag tumatanggap ng commissions?

J:  Meron. At least sana kakilala sila ng kakilala ko. O sana maunawaan nila na hindi ako mabilis na artist at naka handa silang mag hintay.

A: San po kayo pwedeng hagilapin or kontakin for commissions?

J: Dito lang sa facebook! iPM lang nila ako pero depende sa kung madami akong ginagawa.

A: Neox‘s first award, winner of Komikon Committee’s Choice for Outstanding Indies, Indieket 2013.

J: Maraming salamat talaga KOMIKON. Nakakataba talaga ng puso kapag may nakaka pansin ng mga pag hihirap mo.

A: What’s next for Neox? Balita namin last issue na for this November. May plans na po ba kayo or any ideas in mind? Or meron na po ba kayong work in progress?

J: Hindi naman, chapter break lang for Neox. Ako ang naka tokang mag sulat ng 16 issues ng Neox kase, naisip ko na baka magiging abala na ako lalo sa mga panghinaharap kaya minabute ko na na iset ang Neox for 16 issues tapos si Rustico naman.

Plus, meron pang dalawang Indie Komiks na nakaplanong ilabas under ng Neox Universe. ang “Mechal hunter Oxen” na idodrawing ni Bernce Llamo ng Hollow Point Studio, at “TRAX” – isang sports oriented na komiks na nasa loob din ng Neox Universe. At “The Great Armor Wars” pa pala, isang studio cross-over na pinlano namin patungkol sa mga lokal armored characters natin dito sa Pinas, kasama sina Boy Bakal, Alkiezer, Linkin Pork, Kid Komet, At Neox.

A: Any thoughts or future plans to do foreign work? Ano po at saang title kung sakali?

J: Gusto ko sanang makapag trabaho sa Big 2, hindi pa lang maka buwelo dahil sa dami ng tinatapos. Pero pag may pag kakataon, sisikapin ko ding maging artist ng Big 2.

A: San po kayo next na makikita ng inyong readers? Any invitation or announcement or message po para sa kanila :)

J: Bibisita po ako sa November Komikon 2013. At sa mga kaibigan kong sumusuporta, maraming maraming salamat po at hindi pa kayo nadadala. May ginawa akong cover para kay Jon Zamar na lalabas sa Nov Komikon at may mga bagong sketch cards project pa pong tinatapos, The Great Armor Wars Chapter 1 at Neox #5 po sa November Komikon.

 


Alvin Minon