0
Posted May 24, 2015 by Luigi Cabrera in Comics
 
 

LET’S TALK KOMIKS: Hulyen is Not So “Hipster” At All

Your Flipgeeks had the honor to interview Hulyen for the latest Let’s Talk Komiks. Get to know the mind behind Ugh and one of the collaborators  behind Strvnge Things.

FLIPGEEKS: Who is Hulyen?
Hulyen: I’m Julienne Dadivas, I use the name Hulyen for comics. I currently work as a web designer at a TV network, I make comics on my free time.

How did you get into comics and the comic book industry?
Mahilig ako magbasa ng mga libro sa library nung bata ako. Yung grade school library namin dati kumpleto yung mga comics gaya ng  Tintin, Pupung, Pugad Baboy, saka iba pang mga comic strip collections.  Nung high school naman sobrang naging fan ako ng Kikomachine Komix ni Manix Abrera. Sa dyaryo ko lang siya unang nabasa dati. Ginugupit ko pa at kinokoleta yung strips pag nandoon si Bertong Badtrip. Nagsimula akong pumunta ng mga Komikon dahil sa Kikomachine.

Nung college ako nagsimulang gumawa ng fan art at comics na pinopost ko lang paminsan minsan sa Facebook saka sa Tumblr. Na-inspire akong gumawa ng sariling comics nung nabasa ko yung Kikomachine ni Manix saka Ang Alamat ng Panget ng Many Other ni Apol Sta Maria. Di talaga ako marunong mag drawing noon, as in di ko magawa yung mga tinuturo sa mga How to Draw Manga. Pero nung nabasa ko yung Alamat ng Panget narealize ko na OMG pwede palang ganito yung comics!  Kahit simple lang yung art sobrang panalo pa rin. Life changing talaga yung Alamat ng Panget. Naging malaking influence din sa akin yung mga comics ng Drawn and Quarterly at iba pang comics na nakita ko lang sa Tumblr.

Last year lang ako nagsimula magbenta ng print version ng comics ko.  Sumali lang kami nina Jesie Castro at Patti (Patricia) Ramos sa Indie Tiangge sa Komikon. First time ko sila na meet in-person nung naglilibot libot lang ako nung Summer Komikon. Hinahanap ata namin si Emiliana Kampilan ng Dead Balagtas nun yun kaya kami naging friends [laughs]. Tapos ayun, napag-usapan lang namin na kukuha kami ng table sa susunod na Komikon. Gumawa rin kami ng comics anthology naming tatlo, yung Strvnge Things. Pagkatapos nun, sunod sunod na yung sinalihan naming comic conventions. Medyo socially awkward ako haha so hindi siguro ako sumali sa comics events kung di ko sila nakilala.

UghHulyen

Why is your comic book called “Ugh”?
Wala lang akong maisip na ibang title! Yun kasi yung favorite kong gamitin na expression sa comics. Ginagamit siya to express disgust, boredom, unhappiness. Galing lang lahat ‘to sa Urban Dictionary [laughs]. Pero seryoso yun din kasi feelings ko para sa mga gawa ko.

[CHECK OUT… COMIC BOOK REVIEW: Ugh #1]

How did Ugh start?
Gusto ko lang gumawa ng zine noon para sa Komikon. Wala akong balak magprint ng comics ko dati kasi napost ko naman na sa Internet pero nainspire akong gumawa ng zine dahil sa mga nabili ko nung BLTX nung 2013 ata (comics nina Apol, Danielle Riña, Mica Agregado, Joanne Cesario at Michelle Bacabac).

Medyo kulang na ko sa oras nun kasi malapit nang mag Komikon. Nag compile na lang ako ng mga lumang comics tapos gumawa din ng konting  bago. So para siyang Hulyen sampler.

When were you able to say that “This is it, this is what my comic will be about”?
Wala atang iisang theme yung Ugh #1, medyo labo labo lang talaga. Yung mga topic sa comics ko galing siya sa mga napapansin ko lang sa paligid na weird o sa tingin ko nakakatawa. Madalas akong nagsusulat ng mga ideas pag nagko-commute. Pag may naisip akong kwento o joke sa mga observations ko, saka ko siya ginagawang comics.  Mahilig ako magdrawing ng mga facial expressions na masaya at medyo creepy na may pagka “dead inside” so lagi atang may ganun sa mga comics ko.

As a female comic book creator, what are your thoughts on the local komiks scene and the community?
Ang daming magagaling na local komiks! Supportive at welcoming ng comics community kahit sa mga nagsisimula pa lang gaya ko. Di ko inaasahan na may bibili ng comics ko sa mga convention. Akala ko walang makaka-gets nung humor kasi sobrang corny ng mga gawa ko haha. Ang cool lang din na nameet ko na ngayon yung mga kilala ko lang sa Internet dati.

What local komiks do you read and follow these days?
Comics by Manix Abrera, Apol Sta Maria, Danielle Riña, Emiliana Kampilan, Mervin Malonzo, Adam David, Jesie Castro, Patti Ramos, Mika Bacani, Gatusby, Rob Cham, Joanne Cesario and Michelle Bacabac, Carlorozy Clemente, everyone in Piko by Josel Nicolas and many others. Excited ako sa mga ipupublish ng Anino Comics!

Is there anyone in particular that you would like to collaborate with in the comic industry?
Kahit sino sa mga nabanggit ko sa previous question.

You were featured in FCBD Komiks this year. How was your experience on that?
Nainvite lang ako ni Jon Zamar na mag-contribute ng one-page comics tapos may binigay lang siya na theme. Ang saya maging part ng FCBD event na yun!

Strvnge Things

How do your co-workers react with regards to you being a comic book creator?
Ah. Wala lang? haha. Officemate ko dati si Mervin Malonzo so medyo inencourage din niya ako sumali ng Komikon. Hindi ko naman pinagkakalat talaga sa office na gumagawa din ako ng komiks haha pero alam din naman ng iba kasi pinopost ko naman yung comics ko sa Facebook. Inaasar akong hipster sa office! haha.

Apart from Ugh, do you have any other stories that you wanna make? What are they? Any teaser?
May ginagawa ako ako ngayon na short story na 12 pages na set sa high school. First time ko gumawa ng ganito kadaming pages. Bale yun yung magiging laman ng Ugh #2 plus iba pang comic strips. Balak ko pang gumawa nga mga mini comics.

There seems to be a rise in number of  female authors. Do you have any message to those who also want to enter the comic industry?
Yep, maganda nga na madami nang female authors! Sa mga gustong mag comics, gawa lang kayo ng comics, mag-post sa Internet, gumawa ng zine at sumali sa mga comic conventions. Ok mag-start sa indie section ng Komikon.

It might be too early to predict this, but how will 2016 be for you?
Hindi ko pa alam! Sa ngayon ginagawa ko yung Ugh #2 na balak ko irelease sa Komikon this year. Di na ako nagka-cram this time haha so medyo may theme siya di gaya ng Ugh #1.  Sana makagawa ako ng mga mas maayos na short story komiks sa future.

[CHECK OUT… other Let’s Talk Comics articles]

 

 


Luigi Cabrera

 
Enthusiast of things geeky, weird, and random. He finds peace in writing.