0
Posted March 2, 2016 by Tony Tuason in Comics
 
 

READ Writer RUSSELL MOLINA’s Speech about ’12:01′ and Martial Law

russellspeech

Last week we were able to attend the book launch of 12:01 written by Russell Molina and artist Kajo Baldisimo. 12:01 is a short comic that gives us a unique story set during the Martial Law years in the Philippines. During the launch, Rusell Molina delivered an opening speech about the book that would definitely let you think about Martial Law in a different view. 12:01 is also a testament that stories in comic book form can be a an effective tool in sending a strong message. We really hope that this book reaches people, especially those who are still in school.

[CHECK OUT… REVIEW: Learn how life was with ’12:01′]

Ito pa lang ang aking panglawang comics (‘Sixty Six’ was his first), at masyado pa akong bata nung panahon ng Martial Law. Ako ay nasa six or seven pa lamang, pero naalala ko noong panahon na iyon, sa aking kamusmusan, naalala kong nakaranas ako ng matinding galit at matinding kalungkutan. Dahil noong isang araw, tandang-tanda ko biyernes, pag-bukas ko ng TV – ay nawala ang Voltes V. Sa mga susunod na mga araw, nawala si Mazinger Z, nawala si Daimos. Pagdating ng Sabado, nawala si Pac-Man, nawala lahat ng mga arcade. At noong bata ako, alam kong galit na galit ako, sabi ko “Ano ba mga robot ko, bakit nawala.. sa gitna ng palabas, hindi man lang tinapos, nawala lahat.
 
Pero higit sa alam ko, may mga bata at may mga tao na hindi lang robot ang nawala sa kanila. Ang mga magulang ay nawalan ng mga anak. Ang mga anak ay nawalan ng mga magulang. Ang mga kaibigan ko nawalan ng mga kaibigan. At ang mga iba’y ninakawan, nawalan ng musmusan. Ang 12:01, ay isinulat ko para sa mga batang tulad ko dati at sa mga henerasyon ngayon na mas lalong walang kaalam alam at walang kamuang muang sa mga nangyari noong panahon ng Batas Militar. Ang kuwentong 12:01 ay tungkol sa isang banda. Ang musika ay magaling at magandang plataporma para ma-express natin noong panahon na iyon, noong tayo’y nabusalan at napipi. Ang musika ang bumuhay sa atin at ito ang nagging daan para ma-express natin an gating saloobin. Ito ay kuwento ng apat na magka-banda, si Lilly, si Joy, Neal, Edjiboy. Sila ay pinangalan ko at hango sa totoong tao – si Neal ay si Lean (Lean Alejandro), si Joy ay si Joy Jopson Kintanar, Edjiboy ay si Edjop (Edgar Jopson), at si Lilly ay si Lily Hilao. May kaibigan din silang pangalan ay si Elena na dinukot, na hango kay Elena Ang –  na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap.
 
Ito ay aking pagbibigay parangal sa hirap at sa mga binuwis nila. Kung may itinuro ang EDSA sakin—tayo ay parang mga banda, lahat tayo ay may role na kailangang gampanan. Maari ang isa ay bahista, isa ay gitarista. Lahat tayo ay may talent, na kapag ating pinagsama-sama ay we can make a difference. Itong libro na ito, ay sana maka-inspire sa mga kabataan na hindi lamang alamin ang kasaysayan, kundi maintindihan kung gaano ka-suwerte tayo sa panahong ito – na malaya na nakakapag selfie, at makapag-post ng kung ano-ano, at maging kritiko para sa gobyerno at para sa lipunan. Ang naituor din sakin ng EDSA, ay kapag may nakita kang tinatapakan – matutong magsalita, matutong tumayo, at matuto tayong magsama-sama. Sabi nga ng Voltes V… “LET’S VOLT-IN”.

A video posted by Flipgeeks (@flipgeeks) on


Tony Tuason

 
Tony is just your average guy who loves comics, toys, games, movies, and all those geek goodness.