0
Posted April 9, 2014 by Antonio Lukban in Comics
 
 

GABRIEL CHEE KEE & JOMAR BULDA Builds eJuan

Best known as the guitarist of Parokya ni Edgar, Gabriel Chee Kee (Mang Jose) collaborates with Jomar Bulda (Neox) to venture into komiks with eJuan.

Imagine Jake Gyllenhal as a delivery boy in running through the streets and jumping from one rooftop to another of the Philippines.

Gab and Jomar was kind enough to share a few pages to watch out for and  spent some time with Flipgeeks to talk about eJuan.

 —————————————————————————————————————–

With GABRIEL CHEE KEE

FLIPGEEKS: Kilala ka bilang gitrista at song-writer sa parokya ni Edgar, para sa iyo ano ang pagkakaiba ng pagsulat ng lyrics ng kanta, sa pagsulat ng komiks?
GABRIEL CHEE KEE: Wala masyadong pagkakaiba maliban sa kinakanta yung isa.

FG: Kailan mo naisip na gusto mo magsulat ng komiks?
GC: Matagal na rin. May plano pa kami dati ni Ian Sta. Maria maglabas ng Ninja Kids. Tapos Zuma naman yung gagawin sana namin ni Ace Enriquez, nasa college pa kami noon. Tinanggap ko na imposibleng makakapasok ako sa komiks bilang isang penciller kaya sinubukan kong idaan sa pagsulat.

FG: Saan galing ang inspiration mo sa kwento ni Juan? Katulad ba siya ni Mang Jose?
GC: The inspiration stems from your usual superhero origin with some twists here and there. I just wanted to think of something fun and easy to write and this is what came out.

FG: Paano mo napili si Jomar bilang artist ng eJuan?
GC: It really wasn’t a hard choice. Swerte ko lang na libre siya at the time. (Actually, hindi talaga siya libre noon. Siningit niya lang tong mga pages sa hectic schedule niya. Love you Joms!)

FG: Ano ang dapat abangan sa eJuan? sino ba siya? tungkol saan ang kwento?
GC: Without giving too much away, Juan is a delivery boy who chances on becoming a superhero.

FG: Ano pa ang aabangan ng fans mo mula sa iyo?
GC: E-Juan will be doubled with Tanod with art by Jerico Marte. It’s a short 4 page komik about, you guessed it, a tanod.

 

With JOMAR BULDA

FLIPGEEKS: Ano pinagkaiba ng eJuan sa Neox and the Great Armor Wars mo?
JOMAR BULDA: Hindi siya “Combatron-ish” in terms of style. totoong tao ang concept ni Gab sa realistic na mundo (Pilipinas) at talagang nahamon ang pagiging dibuhista ko nitong concept na ito. bukod pa doon Writer lang ako ng Neox at Armor Wars. Dito ako naman yung artist.

FG: Paano mo nalaman na ikaw ang magiging dibuhista sa e-Juan? Combined concept niyo ba ito ni Gab? O nilapitan ka niya?
JB: Medyo matagal na nakiusap sa akin si Gab, at nahihiya naman akong tumanggi. Bukod pa doon IDOL ko siya sa Parokya ni Edgar kaya hindi ko mapapalampas ang pag kakataon.
FG: Mukhang marami tayong fans ni Gab pagdating sa Parokya ni Edgar! nun nagusap ba kayo ni Gab anong parokya songs ang tumakbo sa isip mo?
JB: Mang Jose! at Your Song (My one and Only you) kase, baka may dumating na pag kakataon na isulat naman ni Gab ang song ni Juan. pero hindi ako sigurado doon. nangangarap lang. Fan na nila ako nung hindi pa ako artist at hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na naging ninong sila ni Boss Aris (Gloc-9) ng anak ko, talagang proud na proud lang.

FG: Ayos yun ah! May pagkakaparehas ba si Mang Jose kay Juan?
JB: From what I saw. wala! Naniningil si Mang Jose eh [laughs] si Juan naman,  malalaman natin ang storya niya sa Komikon
pero gusto ko ng cross over nila KAAGAD.

FG: Noong nilapitan ka ni Gab, Yun kwento ba ay buo na? Yun deseniyo ng character ni Juan pagdating sa pagkakaguhit eh pinagusapan niyo pa?
ano pa creative input mo sa eJuan
JB: Noong nilapitan ako ni Gab sabi lang niya na gagawa siya ng komiks na may mecha elements. (na hindi ako magaling)
at yung location naman ay Pilipinas ( na nahihirapan ako) at may Likeness daw si Juan kay Jake Gyllenhaal (at sobrang kina-iinisan ko ang likeness). So, na combo ako ni Gab dito.

Pero hanggat kaya ko, sinikap ko na magustuhan niya yung bawat gawa, 3 times ko na design yung Mech (at hindi pa ako tapos)
at medyo lumalaki na din sa akin si Juan na parang gusto ko na maging mas involve sa project na ito at hindi lang bilang isang artist.

eJuan

FG: Sa pages na ibinahagi mo, mukha naman lahat ng hinahanap ni Gab ay nabigay mo.
JB: Yun nga.  Hindi ako tumigil hanggat hindi ako masaya sa pahina (o siya) kahit may mga ibang gawain sinikap ko na hindi mag mukhang minadali yun bawat page.at sa susunod na issue mas pag iigihan ko pa.

FG: sinasabi mo marami pa kami dapat abangan mula sa inyong dalawa ni Gab?
JB: meron pa yan!

FG: Sa first issue, anong pasabog ang makikita namin na walang spoiler ka na sasabihin?
JB: sana, maging sapat yung unang Issue para hanapin ng magbabasa ang kasunod! Hindi lang eJuan ang nasa Komiks na yun! may “Tanod” at pin up ni Mang Jose.

FG: Maraming salamat sa oras mo Jomar at sa pagiging generous mo sa Flipgeeks sa pagbahagi ng pages at interview.

Ngayon, anu-ano ang aabangan ng fans mo sa Komikon?
JB: Tambay ako sa Komikalye mag i-sketch ako doon. At sana tangkilikin nila ang NEOX namin ni Je-Ar at Armor Wars kasama ng Hollow Point. Yung Mang Jose chibi ay ibibigay ko bilang raffle sa bibili ng Armor Wars at eJuan ng sabay.

Maraming salamat sa pag kakataon.

eJuan (PhP50), Neox (PhP50) and Armor Wars (PhP60) will be available in Komikon.


Antonio Lukban